Friday, April 22, 2005

You want a Gmail account?

Hello guys!

Pasensya na kayo kung madalas mag-down ang Audio and Video Page ko ha? :(

Anyway, bilang pampalubag-loob sa inyo, mamimigay ako ng Gmail accounts sa inyo. :)

Have you heard of Gmail? Most likely, meron na kayong Yahoo mail, Lycos mail, etc. Usually, nag-o-offer lang sila ng maliit na mail space, like 4 MB or 6 MB, minsan meron pang 25 MB, although sa case ng Yahoo, nag-o-offer naman siya ng 250 MB of mail space.

Enter Gmail. Alam nyo ba na nag-o-offer ang Gmail ngayon ng over 2 GB (2048 MB) of mail space?!?! Kung mahilig kayong magpa-e-mail ng pictures, MP3 or video files, then this mail account is for you. Plus, nag-o-offer din siya ng free POP3/SMTP access!! Meaning, if you like, you can set up your Outlook or Eudora or any other e-mail client, para yung e-mail client na ang bahalang mag-fetch ng messages nyo from the Gmail server, at may luxury pa kayong mag-send ng Gmail e-mail using your favorite e-mail client! All of these features for free!!

Unfortunately, kung gusto mong magkaroon ng Gmail account, hindi ka puwedeng mag-signup tulad ng ginagawa mo sa Yahoo or Lycos kapag wala ka pang account. You must get invited by a person who already owns a Gmail account. Like me for instance, may Gmail account na ako. So I have the power to invite people to sign up for their own Gmail account.

Meron akong 50 slots available para sa Gmail account. So kung gusto nyong magkaroon ng Gmail account, simply send me e-mail with the following format and conditions:

1. Sa Subject: field ng e-mail nyo, ilagay nyo ang subject na ito (see below):

Please give me Gmail

2: Sa message nyo naman, ilagay nyo ang correct answers sa mga questions na ito:

a) Sinong artista ang gumanap na pekeng asawa (asawa sa kontrata) ni Justin sa drama series na "Full House"?

b) Sino ang kumanta ng "Langit ka, lupa ako..." song ng drama series na "Stairway to Heaven"?

c) Ano ang pangalan at apelyido ng may-ari ng site na ito?

3: Your optional message.

Heto ang sample e-mail:

Image hosted by Photobucket.com

No coaching ha? Gusto ko lang makasigurado na kakilala ko yung pagbibigyan ko ng Gmail account, either nakilala ko siya sa mga forums, or naging visitor ng blog ko. :)

Kapag na-meet nyo ang above conditions, then bibigyan ko kayo ng Gmail account.

Good luck! :)

Full House: Recap

Earlier, nag-decide mag-hold ng presscon si Justin, although reluctant ang kanyang manager dahil sa magiging effect nito.

Dumating na nga si Justin sa presscon, kasama ang mga alalay niya kabilang na si Donald.

Then may nag-announce na hindi papayagan magtanong ang mga press dahil sasabihin na raw ni Justin ang lahat ng kanilang gustong malaman, at magiging sandali lang ang presscon.

After that, binati ni Justin ang mga tao sa presscon. Then sinabi niya na kaya raw siya nagpatawag ng presscon dahil magsasalita na raw siya tungkol sa babaeng minamahal niya. In love daw siya with someone special, at mahal na mahal daw niya siya. Masaya raw si Justin pag kasama siya, dahil ang babaeng daw iyon ang nagturo sa kanya kung ano ang tunay na kaligayahan. Pero dahil daw sa tindi ng pag-ibig ni Justin sa babaeng iyon at dahil gusto rin protektahan ni Justin ang babae, kinailangan daw ni Justin na hiwalayan siya. Hindi raw sasabihin ni Justin kung sino ang babaeng iyon, dahil ordinaryong babae lang daw siya, pero siya raw ang pinaka-importanteng tao para sa kanya.

Then tinapos na ni Justin ang presscon at umalis na. Maraming gustong magtanong sa kanya, pero ayaw niyang sagutin.

Maya maya, si Justin ay nasa kuwarto ng isang hotel, nag-iisa. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa kama. Tahimik siya at malungkot. Naalala niya ang mga nakaraan nila ni Jessie. naalala niya ang time nung nangutang si Jessie sa kanya para makauwi na from China, and then nung time sa dinner kung saan first time na sinabi ni Justin na pakakasalan niya si Jessie. Naalala din niya ang mga pagkanta at pagsayaw ni Jessie ng Three Bears. Natawa si Justin sa alaalang ito, although lumuluha na. Naalala din niya nung time na nilagyan ni Jessie ng pentel pen drawing ng singsing sa finger niya (ni Justin), pati yung drawing ng relo sa wrist niya, at nung sinabi ni Jessie na siya raw ang mag-aalaga sa kanya. Napaiyak lalo si Justin dito.

Ganun din si Jessie sa bahay niya, naaalala din niya ang mga nakaraan nila ni Justin. Naalala ni Jessie ang mga kakulitan ni Justin noon. Naiiyak si Jessie. Then napatingin si Jessie sa wedding ring niya.

Then umalis na si Justin sa hotel, sakay ang kotse niya. Si Jessie naman, lumabas siya at nagpunta sa harap ng bahay.

Kinaumagahan, maraming kalat sa loob ng bahay ni Jessie, balik sa dati ang attitude ni Jessie sa bahay. Biglang may nag-doorbell. Binuksan ni Jessie ang pinto. Si Luigi pala iyon, may dalang bulaklak!

Sinabi ni Luigi na may nakuha na raw siyang direktor para sa kuwento (nobela) ni Jessie. Gusto raw ng direktor na si Jun Yun Kang daw ang kunin na aktor na gaganap na bida. Pero gusto ni Jessie na mas matangkad na lalake ang bida. Then kinuwento ni Jessie ang isang scene tungkol sa pagpupunas ng lalake ng bintana (just like the time na nagpunas ng bintana si Justin dahil gusto niyang tulungan si Jessie). Parang may nahahalata si Luigi, kaya tinanong ni Jessie kung gusto ba niyang katulad ni Justin ang bida. Ayaw itong aminin ni Jessie sa umpisa, pero bumigay din later on. Gusto ni Jessie na si Justin ang gaganap ng role. Sabi naman ni Luigi na baka hindi na raw yun tanggapin ni Justin. Then nagyaya si Luigi na kumain sila sa labas.

Sa restaurant, tinanong ni Luigi si Jessie kung nalulungkot ba siya dahil nag-iisa na lang siya sa bahay. Hindi raw, sabi ni Jessie, dahil sanay na siya sa ganun. Then sinabi naman ni Jessie na nasasarapan siya sa pagkain, siguro daw ay mukhang mamahalin ito. Sinabi naman ni Luigi na gusto niyang makita si Jessie araw-araw. "Hindi ba halata na nagpo-propose na ako?", sabi Luigi. Naintindihan ito ni Jessie, kaya sinabi ni Jessie na ayaw pa raw niya dahil kadi-divorce pa lang daw niya. Sabi ni Luigi na maghihintay daw siya.

Gabi na. Dumating na si Jessie sa bahay. Then binisita niya ang kuwarto ni Justin. Walang tao sa kuwarto niya. Halatang nami-miss na ni Jessie si Justin. Then tiningnan ni Jessie ang kanyang wedding ring na nasa kahon na. Natulala siya at nalungkot.

Kinaumagahan, nagtungo si Luigi sa manager ni Justin. Sinabi ng manager na lumubog na raw ang career ni Justin. Then nag-request si Luigi na gusto niyang makita si Justin, dahil may io-offer daw siyang isang role sa isang movie. Pero sinabi ng manager na wala raw si Justin sa Seoul, although nasa Korea pa rin siya. Then nagbabala ang manager na hindi niya sigurado kung tatanggapin pa raw iyan ni Justin.

Then pinatawag ng manager si Donald. Inutusan si Donald na puntahan si Justin. Pero sinabi ni Donald na hindi na raw "bababa" si Justin. Nagpumilit ang isang assistant ng manager at sinabing "pababain" daw ni Donald si Justin.

Si Justin ay kasalukuyan palang nagste-stay sa taas ng isang bundok, nagmo-monghe na pala sa isang templo!

Pinuntahan ni Donald si Justin sa kanyang kuwarto sa templo.

Nagtanong si Donald kay Justin kung bakit niya napiling magmonghe, then sinabi rin ni Donald na hinahanap na raw si Justin ng kanyang manager. Hindi pumayag si Justin at pinapaalis na si Donald. Nagbanta si Justin na pag bumalik pa raw uli si Donald ay tuluyan na raw hindi magpapakita si Justin uli. Then nagdahilan si Donald, na what if may sakit si Jessie. Nagtanong si Justin kung ano ang sakit ni Jessie. Sinabi ni Donald na masakit daw ang ulo ni Jessie. Sabi naman ni Justin na wala rin naman daw siyang magagawa kahit na puntahan pa niya si Jessie, tsaka nandoon naman daw si Luigi. Then sinabi ni Donald na pinababayaan na raw ni Luigi si Jessie! (Sinisiraan ni Donald si Luigi.) Nagalit si Justin, then sinabi kay Donald na kailangan daw pakainin ng lugaw si Jessie. Then sinabi ni Donald na kailangan nang bumalik ni Justin...