Wednesday, April 20, 2005

A New Pope Has Been Elected!

Hahaha! Normally hindi ako masyadong nagpo-post ng tungkol sa religion sa blog ko, kasi mga entertainment and techie stuff ang focus ko. I only keep such religion stuff to myself.

But this time I feel na isang historical moment ang pagpili ng successor ng nakaraang pope (Pope John Paul II) kaya gusto kong i-share ito sa inyo, although I failed to cover the events regarding the previous pope's death.

Personally, napanood ko ito sa Saksi GMA News program kagabi, around 11:50 pm (5:50 pm sa Vatican) nagsimula. Napanood ko rin yung white smoke and bells which signify that a new pope has been chosen. At napanood ko rin ang mga rituals na ginawa nila.

Ang napiling pope ay ang German cardinal na si Cardinal Joseph Ratzinger, a.k.a. Pope Benedict XVI, na nagsilbing Dean ng ng mga Cardinals. (In other words, siya ang cardinal na may pinakamataas na position over all the other cardinals.)

Pero kagabi, before pa i-announce ng isang cardinal kung sino ang bagong pope, alam ko na kaagad na si Cardinal Ratzinger ang magiging susunod na pope. As in, I was 100% sure na siya na nga yon.

Normally kasi, ang nag-a-announce ng bagong pope ay ang Dean ng mga Cardinals. So that means, supposedly si Cardinal Ratzinger dapat ang mag-a-announce kung sino ang bagong pope. Kilala ko sa mukha si Cardinal Ratzinger, since merong dalawang libro ang nanay ko na may mukha ni Cardinal Ratzinger. But the twist is, si Cardinal Ratzinger mismo ay isang very strong candidate sa pagiging pope and most likely to be nominated one. Because of this, may dalawang scenario na puwedeng lumabas:

a) Hindi nanalo si Cardinal Ratzinger, kaya si Cardinal Ratzinger mismo ang mag-a-announce kung sino ang bagong pope.

b) Si Cardinal Ratzinger ang napiling pope, kaya hindi si Cardinal Ratzinger ang mag-a-announce kung sino ang susunod na pope.

As it happened, nakatutok ako sa TV mabuti, hinihintay ko kung sino ang mag-a-announce kung sino ang next pope. Maya maya, may lumabas na isang nakapulang cardinal, nakasuot siya ng eyeglasses. Siya ang mag-a-announce kung sino ang next pope. Pero hindi ko kilala kung sino siya! Therefore, hindi siya si Cardinal Ratzinger, and therefore, si Cardinal Ratzinger ang next pope!

Then na-confirm nga na si Cardinal Ratzinger ang next pope, at ang ginamit niyang pangalan ay Pope Benedict XVI. Nakakapanibago, kasi single name lang siya eh. Pero hanga naman ako sa mga websites na nag-predict kung ano ang pangalan ng susunod na pope, kasi most of them got it correct na Benedict nga ang magiging pangalan niya.

Si Cardinal Ratzinger ang naging main adviser ni Pope John Paul II noon, at siya rin ang nagmisa nung ililibing na si Pope John Paul II.

Congratulations kay Pope Benedict XVI, at sana ay kayanin niyang sundin ang footsteps ng ating naunang pope. :-)