Tuesday, March 01, 2005

My original site is accessible again!

Okay, natapos din ang many days na paghihintay ko para maging up uli ang original site ko na http://perryv.i.ph.

I'm going to import my Blogger content to my I.PH blog. :-)

Stairway To Heaven: Recap

Continuing from the Jodi-vs-Eunice sampalan scene, nanggigil si Eunice sa sinabi ni Jodi na mahal pa raw niya si Cholo. Kaya nilapitan ni Eunice si Jodi at sinunggaban niya ang kuwelyo ng coat ni Jodi, sabay inuga-uga ito back and forth, as if sasakalin na ni Eunice si Jodi. Pero nandun lang pala si Cholo malapit sa kanila at inoobserbahan silang dalawa. Then Cholo said, "Kumain muna tayo."

Nagpunta nga silang tatlo sa isang restaurant para kumain. Doon sa mesa, nakaupo si Cholo sa tapat ni Eunice, samantalang nakaupo naman si Jodi sa tabi ni Eunice. Nagsimula na silang kumain.

Then maya maya, nagsimula na rin ang mga kakulitan.

Sa ilalim ng mesa, ini-extend ni Cholo ang kanyang paa sa paa ni Jodi para sadyaing masagi ito. Nagulat si Jodi kung ano ang nakasagi sa paa niya, kaya una siyang lumingon kay Eunice. Si Eunice naman, tiningnan din siya, yung nga lang nanlilisik ang mga mata ni Eunice. Then nagpatuloy uli ng pagkain si Jodi. Pero maya maya, isinagi na naman ni Cholo ang paa niya kay Jodi. Medyo nakahalata na si Jodi na si Cholo yon. Napapangiti si Cholo pero nagkunwaring wala siyang alam tungkol doon at deretso lang siyang kumain. Paulit-ulit na isinagi ni Cholo ang paa niya kay Jodi, hanggang maya maya ay aksidenteng natamaan ang paa ni Eunice. Napatingin si Eunice nang masama kay Jodi. Then apparently, nakahalata na si Jodi sa mga pangyayari, kaya bigla na lang siyang nagpaalam kina Cholo at Eunice para umalis na at umuwi.

Maya maya, nasa loob na ng bahay si Jodi. Nandun siya sa hagdan, malungkot.

Meanwhile in the restaurant, nag-usap sina Eunice at Cholo:

Eunice: Cholo, tuloy pa ba ang engagement natin? Sumagot ka.

Cholo: Hindi na.

Nagulat si Eunice at hindi siya makapaniwala.

Eunice: Cholo, wala namang ganyanan! Masamang biro yan!

Natahimik si Cholo at nawalan ng ganang kumain. Nilalaru-laro na lang niya ang kanyang tinidor sa ibabaw ng kanyang pagkain sa pinggan. Malungkot siya.

Later on, nagpunta si Eunice sa nanay niyang si Maita para magsumbong tungkol sa mga nangyari. Umiiyak na nagsalita si Eunice, "Hindi ako basta susuko sa kanya!". Then sabi ni Maita, "Tama ka, huwag mo basta isusuko si Cholo. Baka mamaya ay mapalayo siya sa iyo.". Then para masolusyonan ni Maita ang problema ni Eunice, sinabi ni Maita na ia-announce niya nang maaga sa press ang tungkol sa engagement nina Cholo at Eunice, para sa ganoon ay wala nang magawa si Cholo kundi ituloy ang engagement. Hindi rin daw problema si Jodi, sabi ni Maita, dahil may "maganda" raw siyang plano para kay Jodi.

Then nung gabing iyon, may isang di-kilalang lalake na nakasakay sa kotse. Bumaba siya sa kotse niya at lumapit sa tatay ni Tristan na nakaupo sa bench. May dalang suitcase ang lalakeng yon na ang laman ay pera, samantalang may dalang isang rolled piece of painting ang tatay ni Tristan. (Apparently, kay Tristan ang painting na iyon). Nakipagpalit ang tatay at ang lalaki ng kanilang mga dalahin. Nagtanong ang tatay ni Tristan kung sino ang nagpabili ng painting, pero ayaw itong sagutin ng lalake at nagtangkang umalis. Pero pinigilan ng tatay ni Tristan ang lalakeng iyon sa kanyang pag-alis, dahil bibilangin ng tatay ni Tristan ang pera dahil gusto niyang makasiguro na tama ang amount ng pera sa suitcase.

Sa kotse ng lalaki, makikita nyo si Maita sa loob. Apparently, tauhan ni Maita ang nagpunta sa tatay ni Tristan. Then kinausap ni Maita ang press using her cellphone, at sinabi niya na magbabago daw ang schedule niya (sa press announcement ng engagement) at gagawing mas maaga.

Meanwhile, si Jodi ay nasa second floor ng mall, malapit sa carousel. Natingin si Jodi sa painting sa wall malapit sa carousel. Then bigla na lang nakita ni Jodi si Tristan malapit sa carousel.

Napaiyak si Jodi, at pinuntahan niya si Tristan sa ibaba, malapit sa carousel. Pero nilayuan lang siya ni Tristan. Malungkot si Tristan.

Nilapitan ni Jodi si Tristan at nagtanong kung bakit hindi na raw siya umuuwi sa bahay. Sinabi ni Tristan na gusto na raw niya kasing kalimutan si Jodi.

Jodi: Sabihin mo, nakalimot ka ba?

Tristan: Masaya ka ba?

Jodi: Nakalimot ka ba?

Tristan: Masaya ka ba?

Jodi: Sabihin mo!! Nakalimot ka ba?

Tristan: Hindi...Ikaw, masaya ka ba?

Jodi: Hindi... Ayokong ma-engage.

Tristan: Hindi. Kailangan mong ma-engage dahil doon ka magiging masaya.

Then tumakbo si Tristan palayo kay Jodi. Tinangkang habulin at pigilin ni Jodi si Tristan, but in the end hindi pa rin naabutan ni Jodi si Tristan. So sumuko na si Jodi at sinabi, "Tristan, alagaan mo ang sarili mo ha? Huwag kang magpapagod".

Pero hindi nila alam na nandun lang si Cholo sa hagdan at pinapanood silang dalawa. Nakita ni Jodi si Cholo. (Tumugtog na ang Bogoshipda).

Lumapit si Cholo kay Jodi at pinahid ang kanyang luha. Lumuha rin si Jodi. Then niyakap ni Cholo si Jodi at nagsalita, "Hayaan mong tuparin ang pangako ko sa iyo. Dahil noon pa man, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang buong buhay." Then nagtanong si Cholo kung tinatanggap na ba siya ni Jodi: "Payag ka na? Payag ka na?". Hindi sumasagot si Jodi. Then nagpatuloy si Cholo, "Huwag ka nang umiyak diyan." Pinahid ni Cholo ang luha ni Jodi. "Please? Payag ka na? Hmmm?". Tumango si Jodi para ipahayag na pumapayag na siya. Ngumiti si Cholo. Then hinawakan ni Cholo ang kamay ni Jodi at umalis na silang dalawa.

Tumakbo si Cholo kasama si Jodi. Then sinabi ni Cholo kay Jodi, "Jodi, hindi ko bibitawan ang kamay mo. Ikaw rin, hindi mo bibitawan ang kamay ko. Naintindihan mo?"

Maya maya, nasa skating rink na silang dalawa. Nagkatuwaan sila at nagpadulas sa yelo nang walang suot na skating shoes.

Napunta sila sa gitna ng skating rink. Napabitaw silang dalawa at sabay din silang dalawang natumba. Then hinawakan ni Cholo ang kamay ni Jodi para makatayo silang dalawa. Hinawakan din ni Jodi ang kamay ni Cholo. And then tumayo silang dalawa at nag-holding hands. Naglakad sila papunta sa exit ng skating rink.

Nag-meeting naman si Maita kasama ang mga press. Then kinuwento ni Maita ang storya nina Cholo at Eunice, as if si Eunice ang inilagay sa role ni Jodi. Naging mag-childhood sweethearts daw sina Cholo at Eunice. Gusto na sanang isulat ng press ang kuwento ni Maita, pero hindi pumayag si Maita at sinabing saka na raw at hihintayin daw muna ang kasal.

Meanwhile, pinuntahan naman si Tristan ng kanyang tatay at ibinalita sa kanya ang nalalapit na kasal nina Cholo at Eunice.

Sa bahay naman nina Maita at Eunice, gumawa sila ng Welcome Party para sa pagdating ni Jodi at para sa engagement nina Cholo at Eunice. Tahimik lang si Cholo.

Pero biglang nag-ring ang cellphone ni Eunice. Si Tristan pala ang tumawag! Kinausap ni Tristan si Eunice, "Di ba sinabi ko na pabayaan mong sumaya si Jodi?" Pero at this point, kinuha ni Maita ang cellphone ni Eunice, at si Maita ang nakinig sa cellphone instead. Nagpatuloy si Tristan, "Pupunta ako sa engagement ni Eunice para ipagtapat ko ang lahat.". Mataray na sumagot si Maita, "Sige! Siguraduhin mong makakapunta ka bukas ha??!! Para makita mo ang engagement nina Cholo at Eunice". Pero sinabi ni Tristan kay Maita, "Sige, yan ba talaga ang gusto mo? Pag pumunta ako doon, tapos kayong lahat!"