Friday, February 18, 2005

Stairway To Heaven: Recap

Nag-eempake na si Jodi bilang paghahanda niya sa paglisan sa office. Natutuwa si Eunice. Nalulungkot naman ang friend ni Jodi.

Lumabas na si Jodi sa office. Sinundan naman siya ng friend niya. Sabi ni Jodi sa friend niya, "Basta pagbutihin mo ang trabaho mo.". Sagot naman ng friend niya, "Mag-iingat ka."

Naalala ni Jodi ang sinabi ni Cholo tungkol sa painting, na kaya pinalagay ni Cholo ang painting sa pader malapit sa carousel ay upang mapalapit siya sa kanya, dahil ang pagkakaalam ni Cholo ay nasa langit na si Jodi. At this point, tumutugtog na ang sad song na Bogoshipda.

Naglakad na sa sidewalk si Jodi, malungkot na malungkot. Samantala, minamanmanan naman siya ni Cholo na nakasakay sa kotse niya. Nakaparada lang din sa sidewalk ang kotse niya. Malungkot din si Cholo, halos nakatanaw sa kawalan.

Pinanood niyang sumakay ng bus si Jodi. Umandar na ang bus. Sinundan naman ito ni Cholo.

Pilit sinabayan ni Cholo ang bus, hanggang sa matapat siya sa puwesto ni Jodi sa loob ng bus. Makikita nyo si Jodi na malungkot at tulala sa loob ng bus, ni hindi man lang lumilingon. Si Cholo naman, tinitingnan lang niya si Jodi.

Kahit na mabilis na ang takbo ng bus, sinasabayan pa rin ito ng kotse ni Cholo. Side by side na umaandar sa kalye ang dalawang sasakyan.

Meanwhile, sa loob ng bahay, sumusulat si Tristan ng kanyang liham kay Jodi sa kapirasong papel. Sabi niya sa sulat na sana raw ay maalala siya ni Jodi sa buong buhay niya. Patuloy daw mamahalin ni Tristan si Jodi hangga't tumitibok pa ang puso niya. Sana raw ay maging masaya si Jodi saan man siya mapunta, at patawarin daw siya ni Jodi sa mga kasalanan niya.

Then nilagyan ni Tristan ng maliit na bulaklak na "four-leaf clover" ang kanyang sulat at tinupi ang papel para maging isang paper plane. Matatandaan niyo na ito rin ang ginagawa ni Tristan nung bata pa siya pag gusto niyang padalhan ng love letter si Jodi.

Pero bigla na lang binuksan nang mapuwersa ang pintuan ng kanyang bahay. May isang grupo ng mga taong naka-itim na jacket na marahas na nagsipasok sa bahay niya, kasa-kasama ang tatay niyang nagkasugat-sugat sa bugbog ng mga ito. Inutusan ng leader ng grupo si Tristan na gumawa ng mga pekeng painting. Ayaw ni Tristan, kaya ang ginawa nila ay binugbog ang tatay niya. Then hinawakan nila si Tristan at pilit pa rin siya pinagagawa ng pekeng painting, ngunit sadyang matigas si Tristan at ayaw sundin ang mga utos nila. "Patayin nyo na ako, sige na, dahil kahit ilang beses nyo akong bugbugin ay hindi ako magpipinta para sa iyo!", sabi ni Tristan sa leader. Kaya binugbog naman si Tristan. Then nagpumilit pa rin ang grupo na magpinta si Tristan or else ay may mamamatay. Ayaw pa rin ni Tristan. Kaya binugbog lalo si Tristan at pinalo nang pinalo ng bat, as if hine-hazing ng mga fratmen. Iyak ng iyak ang tatay. Maya maya, makikita nyo nang nakadapa si Tristan sa sahig at inaapakan ng mga bumubugbog ang kanang braso niya, doon sa bandang forearm. Madiin at mapuwersa nilang tinapakan ang forearm niya, as if gusto nila itong baliin nang tuluyan. Sumisigaw si Tristan sa sobrang sakit.

Meanwhile, si Jodi naman ay nasa sidewalk at tinitingnan ang kalsada sa ibaba ng underpass. Then tumawid na siya ng kalsada. Nandoon si Cholo sa loob ng kotse, pinapanood siyang tumawid.

Lumabas na ng kotse si Cholo. Pumasok si Jodi sa Kung Jin Inn.

Sa loob ng inn, nag-ring ang cellphone ni Jodi. Tumawag ang tatay ni Jodi, umiiyak siyang kinausap si Jodi na umuwi na dahil may masamang nangyari daw kay Charlie (Tristan). Then maririnig nyo sa cellphone na ginigising ng tatay si Charlie, as if nawalan na ng malay gawa ng pambubugbog. Halos hysterical na ang tatay ni Charlie.

Nakauwi na rin si Jodi sa bahay ni Charlie. Nakasama ni Jodi ang tatay at si Charlie na sugatan at walang malay. Umiiyak ang tatay, at sinisi ang sarili, na kasalanan daw ng tatay kung bakit nabugbog si Charlie. After that, biglang nagbago ng mood ang tatay, at inutusan niya si Jodi na umalis na ng bahay dahil baka madamay pa raw siya, iligtas na lang daw ang sarili at huwag nang uuwi. Pero hindi umalis si Jodi. Umalis na sa tabi niya ang tatay ni Charlie.

Maya maya, si Jodi ay may hawak na isang bowl ng tubig at bimpo. Padabog niyang pinupunasan ang mga sugat ni Tristan, as if napipilitan lang at naaalala pa rin niya ang mga atraso ni Tristan sa kanya. Pero maya maya, pinunasan na rin niya nang marahan ang mga sugat ni Tristan, as if iniintindi na lang niya ang sitwasyon.

Then biglang bumulong si Tristan, "Jenna...". Kinausap siya ni Jodi, as if inis na inis: "Hanggang kailan ba matatapos ang kabaliwan mo?!?!?!" (Alam kasi ni Jodi na iniibig pa rin siya ni Tristan.) Pero apparently, hindi siya naririnig ni Tristan, mukhang half-conscious pa rin siya. "Jenna...". Pilit naman ginigising ni Jodi si Tristan at sinabihang tigilan na ang kabaliwan.

Then nakita ni Jodi ang paper plane na naglalaman ng sulat ni Tristan sa kanya. In-unfold niya ang papel at hinawakan ang maliit na four-leaf clover, then binasa niya ang sulat. Nabasa niya na nanghihingi ng tawad si Tristan sa mga nagawa niya. Nag-comment naman si Jodi at nagsalita, as if kaharap si Tristan, "Akala mo ba na ganyan lang kasimple ang mga kasalanan mo sa akin?? ... Tristan, naintindihan mo ba ako??? Sinira mo ang buhay ko!!!"

Pero patuloy pa rin niyang pinunasan ang mga sugat ni Tristan. Si Tristan naman ay naluluha, nakasandal ang ulo sa balikat ni Jodi.

Sa bahay naman nina Maita, kumakain sina Cholo, Eunice, ang nanay ni Eunice na si Maita, ang nanay naman ni Cholo na si Sol, at ang totoong tatay ni Jodi na asawa ni Maita. Nag-aalala si Eunice dahil hindi raw siya marunong magluto. Maya maya, sa gitna ng mga pag-uusap, na-curious si Cholo tungkol kay Jenna. Kaya nagtanong siya kung nagpapanggap lang daw ba talaga si Jenna na siya si Jodi, dahil yung ang sinabi ni Maita. Totoo daw ito, sabi ni Maita, na nagpapanggap nga si Jenna, dahil ito ang nakita niya sa Global Mall, na sinabi ni Jenna sa kanya na siya raw si Jodi. Nag-agree naman si Sol, dahil nakita rin daw niya ang eksenang iyon. Sinabi ni Maita na kalimutan na lang daw nilang lahat ang tungkol kay Jenna. Pero patuloy pa rin ang pagtatanong ni Cholo tungkol kay Jenna. Nairita na si Sol: "Cholo, puwede bang tigilan mo na ang mga pagtatanong mo???"

Meanwhile, sa loob ng inn, nandun lang nakaupo si Jodi, hawak-hawak niya ang four-leaf clover, at malungkot niyang naiisip ang kabataan at nakaraan nila ni Tristan.

Maya maya, may kumatok sa pinto.

Binuksan ni Jodi ang pinto. Si Cholo pala yon. Nagtanong si Jodi:

Jodi: Bakit nandito ka?

Cholo: Ikaw, bakit ka nandito? Ano'ng meron? May problema ba?

Jodi: Wala naman.

Cholo: Huwag mo nang itago sa akin. Tingnan mo ang mga mata mo.

Bigla na lang may taong dumaan sa likuran ni Cholo sa labas ng pintuan, at sandaling tinapik siya nito sa balikat habang patuloy na naglakad.

Cholo: Tara, labas tayo!

Jodi: Wala ako sa mood.

Nagduda si Cholo. "Talaga?"

Maya maya, pumasok din si Cholo sa kuwarto ni Jodi. Umupo si Cholo sa foam na nakalatag sa sahig. Pumuwesto naman si Jodi at umupo sa isang end ng foam opposite Cholo. Nagtanggal si Cholo ng sapatos. Then sinadyang pinahagingan ng paa ni Cholo ang ilong ni Jodi, as if inaasar niyang paamuyin kay Jodi ang paa niyang nakamedyas at katatanggal lang ng sapatos. (Hmp! Ang sama ng amoy! Hehehe... ) Habang pahiga na si Cholo sa foam, patuloy pa ring pinahahagingan ng kanyang paa ang mukha ni Jodi. Humiga si Cholo habang nakalagay ang mga kamay niya sa ilalim ng ulo niya, as if nag-rerelax sa lilim ng puno.

Then maya maya, biglang bumangon si Cholo.

Cholo: Tara na!

Jodi: Saan pupunta?

Cholo: Tulog tayo!

Jodi: Bakit matutulog??

Cholo: Sarap matulog eh! Good night!!

Nagyaya rin si Jodi, "Tara na, nagugutom na ako."

Nagkangitian sina Cholo at Jodi.