Friday, April 22, 2005

You want a Gmail account?

Hello guys!

Pasensya na kayo kung madalas mag-down ang Audio and Video Page ko ha? :(

Anyway, bilang pampalubag-loob sa inyo, mamimigay ako ng Gmail accounts sa inyo. :)

Have you heard of Gmail? Most likely, meron na kayong Yahoo mail, Lycos mail, etc. Usually, nag-o-offer lang sila ng maliit na mail space, like 4 MB or 6 MB, minsan meron pang 25 MB, although sa case ng Yahoo, nag-o-offer naman siya ng 250 MB of mail space.

Enter Gmail. Alam nyo ba na nag-o-offer ang Gmail ngayon ng over 2 GB (2048 MB) of mail space?!?! Kung mahilig kayong magpa-e-mail ng pictures, MP3 or video files, then this mail account is for you. Plus, nag-o-offer din siya ng free POP3/SMTP access!! Meaning, if you like, you can set up your Outlook or Eudora or any other e-mail client, para yung e-mail client na ang bahalang mag-fetch ng messages nyo from the Gmail server, at may luxury pa kayong mag-send ng Gmail e-mail using your favorite e-mail client! All of these features for free!!

Unfortunately, kung gusto mong magkaroon ng Gmail account, hindi ka puwedeng mag-signup tulad ng ginagawa mo sa Yahoo or Lycos kapag wala ka pang account. You must get invited by a person who already owns a Gmail account. Like me for instance, may Gmail account na ako. So I have the power to invite people to sign up for their own Gmail account.

Meron akong 50 slots available para sa Gmail account. So kung gusto nyong magkaroon ng Gmail account, simply send me e-mail with the following format and conditions:

1. Sa Subject: field ng e-mail nyo, ilagay nyo ang subject na ito (see below):

Please give me Gmail

2: Sa message nyo naman, ilagay nyo ang correct answers sa mga questions na ito:

a) Sinong artista ang gumanap na pekeng asawa (asawa sa kontrata) ni Justin sa drama series na "Full House"?

b) Sino ang kumanta ng "Langit ka, lupa ako..." song ng drama series na "Stairway to Heaven"?

c) Ano ang pangalan at apelyido ng may-ari ng site na ito?

3: Your optional message.

Heto ang sample e-mail:

Image hosted by Photobucket.com

No coaching ha? Gusto ko lang makasigurado na kakilala ko yung pagbibigyan ko ng Gmail account, either nakilala ko siya sa mga forums, or naging visitor ng blog ko. :)

Kapag na-meet nyo ang above conditions, then bibigyan ko kayo ng Gmail account.

Good luck! :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home