Monday, April 18, 2005

Full House: Recap

Waah! Eto na ang huling week ng Full House! Pasensya na kung ngayon-ngayon na lang ako nag-recap ha? Heto ang first time na nag-recap ako ng Full House...

Hinatid ni Luigi si Jessie sa kanilang bahay at nakipagkuwentuhan nang sandali, then mamaya ay sumakay na si Luigi sa kanyang kotse at umalis.

Nandun lang din pala sa labas ng bahay si Justin, pero nagtatago siya. Nakita niya ang kotse ni Luigi na paalis.

Then pumasok na si Jessie sa kanyang bahay at umakyat sa kuwarto. Sa kanyang kama, parang malungkot at naguguluhan si Jessie, hindi siya mapakali. Then hinipo niya ang kanyang wedding ring sa daliri, hindi niya malaman kung huhubarin ba nya ito o hindi.

Maya maya, bumangon si Jessie at tiningnan ang kuwarto ni Justin. Wala pa rin siya sa kuwarto. Na-disappoint siya at umalis.

Kinaumagahan, sinilip uli ni Jessie ang kuwarto ni Justin. Nadun nga si Justin, natutulog! Nagtaka si Jessie dahil hindi niya namalayan na umuwi pala si Justin. (Hindi niya alam na nasa labas lang pala ng bahay si Justin nung mga oras na iyon, nagtatago.) Then ginising ni Jessie si Justin. "Justin! Ikaw ba yan? Gumising ka na, Justin!" Pero ayaw pang bumangon ni Justin. "Saka na ako babangon kapag nakaluto ka na!" Pero patuloy pa rin sa panggigising si Jessie, kaya nainis tuloy si Justin. "Ba't ba ang kulit kulit mo!!"

Later on, nung kumakain na sila, tinanong ni Jessie kung nakalipat na ba ng ibang bahay si Justin. Hindi pa raw, sabi ni Justin, hindi raw siya makahanap ng lilipatan. Pero maya maya ay nairita si Justin sa katatanong ni Jessie sa kanya. "Ba't kailangan mong itanong sa akin ang bawat detalye??", isinigaw ni Justin. Maya maya, si Justin naman ang nagtanong kay Jessie kung bakit hindi sila natuloy ni Luigi sa Venice. Nairita din si Jessie at ibinalik kay Justin ang dialogue niya: "Ba't kailangan mong itanong sa akin ang bawat detalye??", sigaw naman ni Jessie kay Justin. Nagulat si Justin dahil ginaya ni Jessie ang tanong niya.

Maya maya, nakaupo sa sopa si Justin at nagko-computer naman si Jessie. Tumayo si Jessie at lumapit kay Justin. Sabi ni Jessie na may naisip daw siyang plano. Natawa naman si Justin, "Nakakapag-isip na pala ang manok!"

Sinabi ni Jessie na dapat magbati daw silang dalawa ni Justin bago sila magkahiwalay. Then tinanong ni Justin si Jessie nang pagalit kung bakit nag-uwi ng lalaki si Jessie sa bahay. Nagulat sa tanong si Jessie, then sinabi niya na wala lang daw yon. Then tinanong naman ni Jessie kung paano ito nalaman ni Justin. Di makasagot si Justin, dahil ayaw niyang sabihin na nandun din pala siya nung gabing yon at pinagtataguan sina Luigi at Jessie. Then sinabi ni Jessie na para makabawi naman daw si Justin, dalhin naman daw niya si Lorraine sa bahay. Nainis si Justin at sinabing huwag daw mag-isip ng ganyan si Jessie, dahil matagal na raw silang magkaibigan ni Lorraine, samantalang kailan lang naman daw nakilala ni Jessie si Luigi. Sumagot naman si Luigi na hindi raw importante kung matagal na niyang kakilala ang kaibigan niya, ang importante raw ay ang komunikasyon. Nainis lalo si Justin at tinawag na malandi si Jessie. Nagalit din si Jessie kaya iniwan niya si Jessie na nag-iisa sa sala.

Then biglang may nag-doorbell. Tinawag ni Justin si Jessie para buksan ang pinto, pero hindi dumating si Jessie. Kaya nainis lalo si Justin at siya na lang ang nagbukas ng pinto.

Pagbukas ng pinto, si Luigi pala iyon! May dala-dalang mga bulaklak!

"O Justin, nandyan ka na pala", sabi ni Luigi. Then tinanong ni Luigi si Justin kung nandyan ba si Jessie. Pero nagsinungaling si Justin at sinabing wala raw si Jessie at umalis. Then biglang kinuha ni Justin ang mga bulaklak kay Luigi, at sinabing siya na lang daw ang magbibigay kay Jessie. Nagulat si Luigi dito. Then sinabi ni Justin na gusto daw niya sanang papasukin si Luigi at makipagkuwentuhan, pero wala na raw siyang oras dahil aalis daw siya. (With the impression na pinalalayas na ni Justin si Luigi.)

Pero biglang sumigaw si Jessie, "Sino yan?"

"Patay!!", bulong ni Justin, at halatang buking siya. Natawa si Luigi.

Sa loob ng bahay, sinabi ni Luigi kay Justin na hindi raw sila natuloy sa Venice. Then sinabi rin ni Luigi na nagpunta siya sa bahay dahil gusto lang daw niyang makita si Jessie. Then tinanong ni Luigi si Justin kung bakit nasa bahay pa siya ni Jessie. (Supposedly, lilipat na ng bahay si Justin.) Nagulat si Justin sa tanong ni Luigi at sinabing bahay daw nila yon ni Jessie. Hindi tinanggap ni Luigi ang paliwanag ni Justin, at sinabing nag-aalala raw si Lorraine sa kanya, kaya dapat daw ay puntahan niya si Lorraine. Nainis si Justin...

Pero sakto naman na dumating si Jessie. Nagandahan si Jessie sa mga bulaklak na dinala ni Luigi. Natuwa si Luigi, samantalang tiningnan ni Justin si Jessie na may halong selos. Binalita ni Luigi kay Jessie na sinabi raw ni Justin na wala raw siya sa bahay pero yun pala ay nandyan siya. Medyo pinagtanggol naman ni Jessie si Justin at sinabing lumabas lang daw siya nang sandali at hindi raw ito namalayan ni Justin. Then binalita rin ni Luigi na sinabi ni Justin na may lakad daw siya. Nagulat si Jessie dahil wala namang nabanggit si Justin na may lakad siya. "Justin, may schedule ka pala?", sabi ni Jessie. "Ah... oo...", sagot ni Justin na may halong patay-malisya, then napangiti rin si Justin na parang nakakaloko at nagkamot ng ulo. Natawa naman si Luigi. "O sige, magbihis ka na!", sabi ni Jessie kay Justin. Napilitan tuloy umakyat ng kuwarto si Justin. Hindi rin siya makapagbihis dahil wala na lahat ng damit niya sa closet.

Nag-usap sina Luigi at Jessie sa labas. Nalungko si Luigi dahil akala daw niya ay madadalaw na niya si Jessie, pero magkasama pa rin daw sila ni Justin. Sinabi naman ni Jessie na puwede raw siyang dalawin ni Luigi kahit anong oras.

Lingin sa kaalaman nina Luigi at Jessie, nakiki-osyoso na pala si Justin, nakadungaw siya sa bintana at tinitingnan silang dalawa. Napalingon si Luigi sa bintana at nakita si Justin! Si Justin naman ay biglang umalis sa bintana at nag-patay malisya uli, kunwari ay hindi siya sumisilip sa bintana. Natawa uli si Luigi.

Then niyaya ni Luigi si Jessie na maglakad-lakad, mamasyal at kumain sa labas.

Meanwhile, nasa sala si Justin at tinawagan ang isang tauhan sa office, at ipina-cancel ni Justin ang lakad niya. Biglang nagpunta sa sala sina Jessie at Luigi. Sinabi ni Justin kay Jessie na hindi na raw tuloy ang lakad niya. Pero sinabi naman ni Jessie na mukhang maiiwan daw si Justin sa bahay, dahil may lakad naman daw sila ni Luigi. Nagpaalam si Luigi kay Justin na kakain sila sa labas. Walang nagawa si Justin.

Nagbihis si Jessie and then sumama kay Luigi. Palabas na silang dalawa ng bahay, nang biglang hinabol ni Justin si Jessie at hinawakan si Jessie sa kamay. Sinabi ni Justin kay Jessie na huwag na siyang sumama kay Luigi. Mukhang na-disappoint si Luigi. Nagtanong si Jessie kung bakit. Medyo matagal nag-isip si Justin, then naggalit-galitan siya at sinabi na kailangan daw maglinis ni Jessie ng bahay. Hindi pumayag si Jessie. "Sorry, Justin", sabi ni Luigi. Pero humirit na naman si Justin at malungkot na tinanong, "Jessie, kung aalis ka ... paano ako makakakain?" (!!). Naawa naman si Jessie at hindi na tinuloy ang lakad nila ni Luigi. Disappointed si Luigi.

Then sa loob ng bahay, nakaupo sa sopa si Justin, samantalang nag-vacuum cleaner nga ng sahig si Jessie. Tinanong ni Justin kay Jessie kung bakit hindi siya sumama kay Luigi. Sabi naman ni Jessie na pinaglilinis daw kasi siya ng bahay. Then sinabi ni Jessie na ayaw daw niyang gayahin ang attitude ni Justin, dahil naaalala daw niya yung gabing yon nang hindi sinipot ni Justin si Jessie sa premiere night dahil pinuntahan ni Justin si Lorraine. Nag-sorry si Justin at hindi na raw iyon mauulit.

Maya maya, naglinis ng bintana si Jessie. Nandun din sa bintana si Jessie at pinapanood si Jessie maglinis ng bintana. Then tinulungan ni Justin si Jessie maglinis. "Ang saya palang maglinis", sabi ni Justin. So sinabi ni Jessie, "Eh di kung ganun pala, bakit hindi na lang ikaw ang maglinis??". Nainis na naman si Justin. "Hmp!!", nanggigil si Justin habang naglilinis si Jessie.

Then bigla na lang may pumasok sa isip ni Justin na hindi maintindihan, at sinabi niya kay Jessie na may dumi raw sa mukha niya (kahit wala naman). Nagtaka si Jessie. Then inutusan ni Justin si Jessie na pumikit. Pumikit naman si Jessie. Then mukhang may pinaplanong kakulitan si Jessie, dahil pumikit din si Justin at unti-unti niyang inilalapit ang bibig niya sa bibig ni Jessie, as if hahalikan niya si Jessie...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home