Saturday, February 26, 2005

Stairway To Heaven: Recap

Naglakbay na sina Cholo, Eunice at Jodi pauwi, sakay ang kotse. Nasa harap si Eunice at nasa backseat si Jodi. Kinausap ni Cholo si Eunice na dapat maganda siya sa engagement. Pero hindi nakatingin si Cholo kay Eunice. Nakatingin siya kay Jodi via the back mirror.

Then tumigil na ang kotse at nagbabaan na silang tatlo. Nagtaka si Eunice kung bakit parang bumait si Cholo sa kanya, kung ito ba ay dahil kay Jodi. Then nagpaalam na sa kanila si Jodi para makaakyat na sa bahay, apparently parang bitter pa rin si Jodi dahil sa pagkakasagutan nila ni Cholo sa loob ng bar earlier. Pero pinigilan siya ni Cholo, at naglabas ng mga regalo. Binigyan ni Cholo si Eunice ng regalo. Tuwang tuwa si Eunice. Binigyan din ni Cholo si Jodi ng regalo. Tinanggap ito ni Jodi pero parang reluctant siya. Then nagpaalam na si Cholo sa kanila at umalis.

After that, bigla na lang tumakbo si Eunice papunta kay Jodi at kinuha ang regalo niya. Binuksan ni Eunice ang regalo ni Jodi. Wala pala itong laman! Empty box lang siya. Binuksan naman ni Eunice ang regalo niya, at nakita niya ang laman nito na isang set ng kuwintas at hikaw. Tuwang tuwa si Eunice. Nagsi-uwi na silang dalawa.

Pagpasok pa lang ni Jodi ay masama na kaagad ang bungad ng nanay ni Eunice na si Maita. Makapal daw ang mukha ni Jodi, sabi ni Maita. Samantalang nagsaya sina Maita at Eunice sa mga regalo ni Cholo kay Eunice. Sinabi ni Eunice na kaya lamang niya isinama si Jodi ay para makita lahat ni Jodi ang ginagawa ni Cholo kay Eunice, at nang tuluyan nang magselos si Jodi.

Maya maya, nasa kuwarto na si Jodi, malungkot at nag-iisa. Tinitingnan niya ang gift sa kanya ni Cholo na walang laman. Pinagmasdan ni Jodi ang four leaf clover ni Tristan, at sinabi ni Jodi na mukhang nagsisisi daw siya dahil hindi pa rin siya naging masaya sa piling ni Cholo. Feeling ni Jodi ay Jenna pa rin ang treatment sa kanya. Si Jodi raw ang nagmahal at unang nagmahal.

Si Tristan naman ay nasa ibang lugar, mukhang nagpaikli na ng buhok nang konti at gumagawa ng mga portrait sketches para sa kanyang mga customers. Pero hindi satisfied at nagrereklamo ang kanyang mga customers dahil hindi maganda ang mga sketches ni Tristan. Dala kasi ito ng pilay ni Tristan sa kanyang nakabendang forearm, kaya hindi siya makapag-sketch nang maayos. At this point, tumutugtog na ang acousting song na Cheongukui Ki-eok ni Jang Jung Woo.

Maya maya, nag-ring ang cellphone ni Tristan. Si Jodi ang nag-a-attempt na tumawag sa kanya. Pero ayaw itong sagutin ni Tristan. Instead, binato ni Tristan ang kanyang cellphone. Pero nagbago rin ang isip ni Tristan at pinulot din ang cellphone. Hindi na nagri-ring ang cellphone. Apparently, nasira na ito.

Kinaumagahan, nasa pantry ng office si Jodi. Nag-ring ang cellphone ni Jodi. Si Cholo pala ang nagpapa-ring ng cellphone niya. Pero nandun lang pala si Cholo malapit sa pantry. Nakita siya ni Jodi at kinausap siya. Kinumusta ni Cholo ang regalo niya kay Jodi. Wala raw laman ang regalo ni Jodi. Pero sinadya raw talagang bigyan ni Cholo si Jodi ng kahon na walang laman, dahil ang kahon na ito ang magsisilbing lalagyan ng mga future gifts ni Cholo sa kanya in the future.

Nainis si Jodi at tinulak si Cholo. Tigilan na raw siya ni Cholo, sabi ni Jodi. Pero mapilit si Cholo at tinulak din si Jodi in return, at sinabi na titigil lang daw siya kung nakuha na niya ang gusto niya.

Sa loob ng office, minamanmanan pa rin ni Eunice si Jodi, apparently parang asar at nagseselos si Eunice. Pero maya maya ay may na-receive na e-mail si Jodi. Kaya binuksan ni Jodi ang e-mail sa kanyang laptop, at nakita ang isang multimedia message ni Cholo para sa kanya. Sabi ni Cholo sa message na niyayaya niya si Jodi para samahan siya. Napatingin si Eunice sa kanya at naasar.

Tinawagan ni Jodi si Cholo at sinabing hindi siya sasama. Ayaw ni Jodi, pero nagpilit si Cholo at sinabing kailangang sumama si Jodi. Pumalag si Jodi at tumakbo paalis, pero hinabol siya ni Cholo. Nako-korner minsan si Jodi ni Cholo pero nakakatakas din. Naghahabulan silang dalawa sa loob ng mall. Nakita silang dalawa ni Eunice at sinudan sila.

Sumakay ng kotse si Cholo, hila-hila niya si Jodi. Sa loob, nakipag-holding hands si Cholo kay Jodi pero ayaw ni Jodi.

Pagkatigil ng kotse, nagtanong si Jodi kay Cholo kung saan ba talaga sila pupunta. Sabi ni Cholo na huwag na siyang magtanong at sumama na lang siya.

Hila hila ni Cholo si Jodi. Pumasok silang dalawa sa jewelry store. Nakahanda na ang mga singsing. Pilit itong pinasusukat ni Cholo kay Jodi, pero ayaw talagang sukatin ni Jodi. Pero pilit pa rin itong isinusuot ni Cholo sa daliri ni Jodi, at huwag na raw siyang pakipot.

Pumapalag si Jodi para hindi siya masuutan ni Cholo ng singsing, pero hinahatak naman nang pilit ni Cholo ang braso ni Jodi at pilit isinusuot sa daliri ni Jodi ang singsing. Then nagreklamo na si Jodi kay Cholo:

Jodi: Huwag mo na akong pahirapan! ...

Cholo: Jodi, mahal mo ba ako? Jodi, mahal mo ba ako?

Tameme pa rin si Jodi.

Cholo: Mahal mo ba ako?!?! Mahal mo ba ako?

Then nakakita ng magandang singsing si Cholo. May tatlong puso sa ibabaw ng singsing na ito. Isinuot ito ni Cholo kay Jodi. Kinuha na finally ni Cholo ang singsing at binayaran. Wala pa ring tiwala si Jodi at sinabing hindi raw mangyayari ang engagement nila. Pero sumagot naman si Cholo at sinabing tumigil na raw siya. Nauna nang lumabas ng store si Cholo.

Bigla na lang pumasok si Eunice sa jewelry store at sinugod si Jodi. Makapal daw ang mukha ni Jodi at nakuha pa niyang sumama sa jewelry store, sabi ni Eunice. Balak daw kasi ni Jodi na agawin si Cholo kanya, pero sinabi ni Jodi na hindi raw ito totoo. Then sinampal ni Eunice si Jodi, pero gumanti si Jodi at sinampal din si Eunice. Then sinabi ni Eunice na walang hiya raw si Jodi. After that, tinanong ni Eunice si Jodi kung mahal pa raw ba niya si Cholo. Sabi ni Jodi na mahal pa raw niya si Cholo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home