Friday, February 25, 2005

Stairway To Heaven: Recap

Kinaumagahan, dali daling umandar ang kotse ni Cholo papunta sa gate ng bahay ni Jodi. Bumaba siya kaagad ng kotse at nagmadaling pumasok sa bahay, as if may humahabol sa kanya. Pero masayang masaya lang si Cholo kaya ganun na lang siya ka-aktibo at ka-eager na makasama uli si Jodi.

Pumasok ng bahay si Cholo. Sinalubong siya nina Eunice at Maita, ang nanay ni Eunice. "Good morning Cholo! Ba't naparito ka?", sabi ni Maita. Nagpaliwanag si Cholo na gusto niyang papasukin uli si Jodi sa office. Pero sinabi ni Eunice na resigned na si Jodi sa office. Sumagot naman si Cholo na si Jenna ang nag-resign at hindi si Jodi. Then bumababa na si Jodi sa hagdan. Sinabi ni Maita kay Cholo na hindi raw pinayagan si Jodi ng tatay niya na umalis. Pero binuko ni Jodi si Maita: "Sinabi ba talaga yan ni tatay??" Napahiya si Maita.

Kahit sa paglabas nina Cholo at Jodi sa bahay ay hinahabol pa rin sila nina Maita at Eunice. Lahat ay ginagawa ng mag-ina, mapigilan lang si Jodi na sumama kay Cholo. Sinabi ni Maita na sira daw ang kotse ni Eunice kaya kailangan siyang isakay ni Cholo. Pero halos hindi pinansin ni Cholo si Eunice, dahil si Jodi pa rin ang pinauna niyang sumakay ng kotse.

Habang umaandar ang kotse, pilit nagpapansin si Eunice kay Cholo at nagtangkang i-divert ang atensyon ni Cholo away from Jodi. Nag-suggest si Eunice na dalhin si Cholo sa parlor para mas maging guwapo siya pagdating ng engagement, pero hindi ito pinansin ni Cholo. Then hinipo naman ni Eunice ang tuktok ng ulo ni Cholo para haplusin, pero umiwas si Cholo. After that, nag-suggest si Eunice na gawing Jenna uli ang pangalan ni Jodi pagpasok sa office, pero tumanggi si Cholo dahil Jodi raw talaga ang pangalan niya, at dapat daw maibalik kay Jodi ang kung sino siya talaga.

Sa office, pinagtapat ni Eunice sa mga staff na magkapatid sila ni Jodi, pero labag ito sa loob ni Eunice at hindi siya masaya. Samantala, nag-alala ang friend ni Jodi dahil baka hindi na raw siya kilala nito, pero in-assure ni Jodi na kilala pa rin niya ang friend niya. Nakalimutan pa ng friend niya ang totoong pangalan ni Jenna (which is "Jodi").

Then maya maya, nakapila na sina Jodi at ang friend niya para makabili ng pagkain sa canteen. Bigla-bigla na lang dumating si Cholo at nagmadaling sumingit sa pila nila. Nagulat sina Jodi sa nangyari. Then naka-order na sina Jodi ng pagkain at paalis ng pila. Naka-order na rin ng pagkain si Cholo at nagmadaling umalis ng pila para sumama kina Jodi, pero binanggit ni Jodi na nakalimutan daw ni Cholo na kumuha ng sariling kutsara't tinidor. So kumuha naman si Cholo ng kutsara't tinidor at nagmadaling sumama kina Jodi, pero binanggit na naman ni Jodi na nakalimutan ni Cholo na kumuha ng sarili niyang baso. Napatawa si Cholo at nagmadaling kumuha ng baso, pero sa kamamadali ay nakuha niya ang gamit na baso imbis na ang malinis na baso. Kaya nag-offer ang attendant na magbigay ng malinis at malaking baso kay Cholo.

Sa mesa, kumain na sina Cholo, Jodi, at ang friend ni Jodi. Pinagtitinginan sila ng lahat ng mga employees sa canteen, dahil ngayon lang nilang nakitang kumain ang kanilang boss na si Cholo sa loob ng canteen. Maya maya, pinagtitingnan ni Cholo ang mga empleyado niya, at sabay-sabay naman silang nagsilingon sa kanilang mga pagkain. Natawa si Cholo. Then nagpatuloy sina Cholo sa pagkain.

Pero maya maya, dumating si Eunice. Nagtanong si Eunice kung nasaan kumakain ni Cholo, at tinuro ang mesa nina Cholo. Nung nakita ni Cholo si Eunice, niyaya niya si Eunice kumain, pero ayaw daw niyang kumain. Instead, niyaya ni Eunice si Cholo na samahan siya sa pagbili ng gown. Pumayag si Cholo, pero mamaya na raw. Gusto ni Eunice na isama si Jodi, pero tinanggihan ito ni Jodi. Then sabi ni Eunice, "Bakit, naiilang ka ba sa amin?" Ayaw talagang sumama ni Jodi, pero pinilit siyang sumama ni Cholo sa kanila.

Sa loob ng gown boutique, nagsukat ng gown si Eunice. Then tinanong ni Eunice si Cholo kung bagay ba ito sa kanya. Pero makikita nyo si Cholo na naka-dark sunglasses, halatang ayaw niyang makita ang gown ni Eunice. Sumagot si Cholo na okay lang daw ang napili ni Eunice. Tinanong naman ni Eunice si Jodi kung okay ang napili niyang gown. Okay din naman daw, sabi ni Jodi, pero parang pilit ang sagot niya at hindi interesado. Maya maya, nalungkot si Jodi. Si Cholo naman, nakatingin lang kay Jodi. Maya maya, nailang na si Jodi, tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa sopa at umalis. Hindi kumibo si Cholo.

Pero after that, hinubad ni Cholo ang sunglasses niya. Tumayo si Cholo at naghagilap ng gown. Pinasukat ito nang pilit ni Cholo kay Jodi, kahit wala sa mood si Jodi na suotin ito, besides mas bagay naman itong suotin ni Eunice. Pero nagpumilit pa rin si Cholo at sinabing kakailanganin daw ito ni Jodi sa engagement. Eventually, sinukat din ito ni Jodi.

Sinukat nga ni Jodi ang gown. Lumabas siya ng fitting room na nakasuot ang gown, at hinangaan siya ng attendant ng mga gowns dahil bagay daw ang gown na yon kay Jodi. Napansin ni Jodi na mamahalin ang gown, kaya nakaramdam siya ng hiya at gusto na itong hubarin ni Jodi. Pero di pa rin pumayag si Cholo. Maya maya, binili ni Cholo pareho ang mga gown nina Eunice at Jodi.

Nakita din kasi ni Eunice na pinupuri si Jodi ng attendant. Kaya apparently, either nainggit siya or nagselos siya (or both), kaya asar na asar siya at nilapitan niya si Jodi. Pero ini-snub lang siya ni Jodi at nilayuan. Walang nagawa si Eunice.

After that, naghanap si Cholo ng sapatos para kay Eunice. Sabi ni Eunice na hindi raw ito bagay sa kanya, kaya umalis naman si Cholo dala-dala ang sapatos. Yun pala ay sadyang hindi ito bagay kay Eunice dahil pinili ito ni Cholo para maging bagay kay Jodi. Pinasukat ni Cholo ang sapatos na ito kay Jodi. Reluctant si Jodi pero sinukat pa rin niya. Bagay daw ito kay Jodi, sabi ni Cholo. Malaki rin daw ang paa ni Jodi!

Dumating si Eunice sa lugar nina Cholo. Pero nagpanggap si Cholo na hindi niya pinapansin si Jodi at nagbabasa lang, kaya hindi nalaman ni Eunice na sinusukatan ni Cholo si Jodi ng sapatos. Nagtanong si Eunice kung bagay ba ang sapatos na napili na naman niya. Oo daw, sabi ni Cholo, pero sabi ni Eunice na mukhang hindi pa rin daw ito bagay sa kanya.

Gabi na nung natapos mag-shopping sina Eunice, Jodi at Cholo. Naglakad ang tatlo sa labas ng shopping mall. Gusto na raw umuwi ni Jodi, pero nagyaya si Cholo na pumunta silang lahat sa loob ng bar.

Sa loob ng bar, pumuwesto na sina Cholo, Eunice at Jodi (in that order) sa lugar ng bartender at umorder ng drinks at ng makakain. Nag-comment si Eunice na ang bar na pinasok nila ay kamukha ng bar sa New York na pinasok nilang dalawa ni Cholo. Pero hindi pinapansin ni Cholo ang mga kuwento ni Eunice. Instead, ini-stretch ni Cholo ang braso niya sa likuran ni Eunice, at doon inabot ang kamay ni Jodi para makapag-holding hands silang dalawa. (In effect, nagho-holding hands sila sa likuran ni Eunice.) Nakukulitan na si Jodi kay Cholo, pero wala pa ring kamalay-malay si Eunice at tuloy pa rin ang kuwento niya. Natatawa na lang si Cholo. Then maya maya, aksidenteng nadikit ni Cholo sa likuran ni Eunice ang mga kamay nilang dalawa ni Jodi. Nahalata tuloy ni Eunice ang mga pangyayari. Nainis siya at biglang umalis. Naiwan sina Jodi at Cholo.

Gusto ni Jodi na tigilan na siya ni Cholo. Malalaki na raw sila at hindi na mga bata, at hindi na rin babalikan ang nakaraan. Pero ayaw ni Cholo, dahil limang taon din siyang naghintay na bumalik siya. Pero di pa rin pumayag si Jodi dahil nakipag-engage na raw si Eunice kay Cholo, kaya natapos na ang relasyon nila ni Jodi. Pero sumagot naman si Cholo na hindi totoong nakipag-engage na siya kay Eunice, dahil makikipag-engage lang daw siya sa kanyang minamahal (si Jodi). Matatandaan nyo na sinabi ni Cholo earlier sa pamilya ni Eunice na tuloy pa rin ang engagement, pero hindi sinabi ni Cholo kung kanino siya mae-engage. Pero ayaw na talaga ito ni Jodi, at sinabi na kung alam lang daw niya na mauuwi sa ganitong gulo ang mga pangyayari ay hindi na sana niya hiniling na maging Jodi siya uli. Umiyak na si Jodi rito. Sinabi din niya na hind na niya mahal si Cholo at nagtangka siyang umalis sa bar at iwanan si Cholo. Pero mapuwersa naman siyang pinigilan ni Cholo at hinatak pabalik sa upuan, at isinigaw na niya kay Jodi na hindi siya naniniwalang hindi na siya mahal dahil alam pa rin niya na mahal pa rin siya ni Jodi. Napaiyak na rin si Cholo at umalis sa puwesto niya, out of frustration. Iniwan niya si Jodi na nag-iisa.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Just want to say your article is as astonishing.
The clarity on your post is simply cool and i could suppose
you are an expert on this subject. Fine along with your permission
allow me to snatch your RSS feed to stay up
to date with coming near near post. Thanks a million and please continue the gratifying work.



My web page ... Zahngold Wert

10:39 AM  

Post a Comment

<< Home