Saturday, February 19, 2005

Stairway To Heaven: Recap

Lumabas na ng inn sina Cholo at Jodi. Nagpalakad-lakad sila sa sidewalk, hanggang sa nakakita si Jodi ng turu-turo (sidewalk restaurant). Niyaya niya si Cholo para kumain doon.

Jodi: Ano ba, Cholo? Dito na tayo, masarap ang pagkain dito!

Pero ayaw ni Cholo kumain sa turu-turo. Apparently, di siya sanay kumain sa mga ganung klaseng lugar.

Makikita nyo na sine-serve doon ang "slimy" na bituka, hinahango mula sa kaldero. Mukhang nadidiri si Cholo.

Jodi: Uminom tayo! Di ka ba umiinom?

Cholo: Hindi.

Then uminom ng sabaw sina Cholo at Jodi. Ininom nila ito nang deretso mula sa bowl, walang kutsarang ginamit.

Jodi: Okay ka lang ba?

Cholo: Jenna?

Jodi: (Pabirong nagpanggap na katulong.) Yes, ano'ng kailangan mo?

Then ngumiti at halos tumawa na si Jodi.

Jodi: Magpaka-enjoy muna tayong dalawa! Kalimutan muna natin ang mga salot na problema! Minsan lang naman mangyari ito. Okay?

Then nagsubuan silang dalawa ng pagkain.

Jodi: Masarap? Ayaw mo ang lasa, no? Rich kid! [Gusto mo ng] Isaw? Rabbit? Dalagang bukid?...

Nasarapan naman daw si Cholo, then sabay order siya ng fried chicken!

Naglakad uli silang dalawa sa sidewalk. Pero maya maya, hindi na maganda ang nararamdaman ni Cholo. Mukhang kumukulo ang tiyan niya! Parang gusto niyang magbawas! Minadali niya si Jodi sa paghahanap nila ng toilet. Lalabas na raw kasi!

Nagpunta sa public toilet sina Jodi at Cholo. Dalawang toilets ang nakita nila: isang pambabae at isang panlalaki, magkatapat ang locations nila. Pumasok ng toilet na panlalaki si Cholo, pero puno daw ang loob. Kaya doon na lang siya nagpunta sa toilet na pambabae!

Habang hinihintay ni Jodi si Cholo, naluluha na naman siya at niyakap ang hawak niyang jacket ni Cholo. Maya maya, nalaglag ang kuwintas ni Cholo mula sa jacket niya. "Cholo...", ang sabi ni Jodi sa isip niya.

Maya maya, lumabas din si Cholo. (Parang hirap magbawas!)

Jodi: Nalaglag ang kuwintas sa coat mo.

Cholo: Na kay Jodi ang part nyan.

Jodi: Talaga bang nakalimutan mo na si Jodi?

Cholo: Hindi pa, kaya nga balak ko nang itapon ang kuwintas eh.

Jodi: Huwag muna! Saka mo na itapon kapag sigurado ka nang wala ka nang nararamdaman para kay Jodi. Malay mo, baka mamaya, bumalik pa siya sa iyo.

Mamaya, parang hindi na naman mapakali ang tiyan ni Cholo. Balik siya sa toilet ng mga babae!

After that, lumabas sila at naglakad sa sidewalk. Gusto na sanang ihatid ni Cholo si Jodi pauwi sa pinapasukan niyang inn, pero ayaw pa ni Jodi: "Mamaya mo na ako ihatid. Inuman muna tayo!"

Then umupo sila sa steps at doon nag-inuman. Maya maya, nag-aagawan na sila ng bote ng alak.

Jodi: Akin na yan! Cholo??

Maya maya, nagtanong si Cholo tungkol sa samahan nina Jodi at Charlie.

Cholo: Nag-away ba kayo? Bakit?

Jodi: May nilihim sa akin si Charlie. Alam mo ba kung ano ang inilihim niya sa akin?

Ngunit gusto nang iuwi ni Cholo si Jodi dahil lasing na lasing na si Jodi. "Tara, iuuwi na kita!" Pero pinigilan siya ni Jodi. "Ayaw mong malaman? Sige ka, ikaw rin baka magsisi ka".

Naupo uli sina Cholo at Jodi sa steps.

Jodi: Okay, di ko na sasabihin, pero pag nagbago ang isip mo, lapitan mo lang ako. Sabihan mo lang ako hah?

Cholo: Oo ba!

Jodi: Bilisan mo lang sana. Alam mo bang kawawa si Charlie kapag iniwan ko siya? Siguradong hindi niya makakaya.

Uminom na naman ng alak si Jodi.

Jodi: Last na lang to.

Cholo: Okay, last na yan hah?

Napangiti si Cholo, umuusok na ang kanilang mga hininga dahil sa lamig. Naiiyak si Jodi. Medyo nagwala na siya kay Cholo.

Jodi: Nakalimutan mo na ba talaga si Jodi?

Cholo: Tama na.

Jodi: Di ba ang sabi mo, ang tunay na pag-ibig ay bumabalik, basta maniwala ka lang? Cholo, di mo ba ako kilala? Ako si Jodi! Ako si Jodi!

Ayaw maniwala ni Cholo. Medyo hysterical na si Jodi.

Cholo: Ikaw si Jenna.

Jodi: Hindi! Ako si Jodi! Ako si Jodi! Ba't ayaw mong maniwala??

Cholo: Tama na!

Jodi: Ako talaga si Jodi! Cholo! Ako talaga si Jodi! Maniwala ka! ...

At this point, tumutugtog na ang Bogoshipda.

Maya maya, nagyaya nang umuwi si Cholo, pero hindi na makatayo si Jodi sa kalasingan. Inakay siya ni Cholo pauwi.

Pinasan ni Cholo si Jodi sa likod niya at naglakad papunta sa inn. Naalala ni Cholo ang pagpasan niya dati kay Jodi nung bata pa sila. Nagsalita nang halos pabulong si Jodi: "Cholo...Buti na lang, nandito ka...Mahal na mahal kita."

Pero hindi masyadong pinansin ni Cholo ang mga sinabi ni Jodi. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Sa loob ng kuwarto ni Jodi sa inn, inihiga na siya ni Cholo sa ibabaw ng foam. Bumulong na naman si Jodi, "Cholo?"

Then hinalikan ni Cholo si Jodi sa pisngi nang dahan dahan.

Kinaumagahan...

Nagising na si Jodi. Nakita niya si Cholo na nakaupo't nagbabantay sa kanya. Natutulog si Cholo nang nakaupo.

Lumapit si Jodi kay Cholo, at hinaplos ni Jodi ang mukha ni Cholo. Then hinaplos naman ni Jodi ang bibig ni Cholo. Naluluha si Jodi. Then hinalikan na ni Jodi si Cholo sa noo. Tuluyang lumuha si Jodi.

Jodi: Goodbye, Cholo. Goodbye.

Lumabas na ng inn si Jodi.

Maya maya, nagising na si Cholo. Hindi na niya nakita pa si Jodi sa tabi niya, pero napansin ni Cholo ang cellphone niya sa tabi niya. Maya maya, nag-ring ang cellphone. Pinakinggan ni Cholo ang voice message ni Jodi:

"Aalis na ako. Pupunta na ako sa malayong lugar. Kalilimutan ko na ang sandaling nakaraan natin. Kasama si Charlie".

0 Comments:

Post a Comment

<< Home