Wednesday, February 16, 2005

Stairway To Heaven: Recap

Naglakad si Charlie (Tristan) nang malungkot, palabas ng office. Nakita siya ni Eunice at tinawa siya, "Tristan! Tristan!" Then sinabi ni Eunice ang tungkol kay Jodi: "Alam na niya ba kung sino ang nakabangga sa kanya? Ang alaala niya, nagbalik na!"

Pero ikinatuwa ni Charlie ang pagbalik ng alaala ni Jodi, dahil pagod na pagod na rin kasi siya sa pagsisinungaling. Kinabahan si Eunice na baka isumbong siya ni Charlie. "Kuya, maawa ka naman sa akin! Please lang, huwag mong sabihin!". Pero sinabi ni Tristan na may karapatan si Jodi na malaman ang lahat. "Dapat kaawaan si Jodi, dahil wala siyang kasalanan". Then umalis na si Charlie. Si Eunice naman, takot na takot. "Tristan? Tristan!"

Meanwhile, si Jodi naman ay nakaupo sa sidewalk. Iniisip niya kung paano siya nabangga ng kotse noon at kung sino ba talaga ang bumunggo sa kanya. Then naluha si Jodi habang naiisip niya ang nakaraan. Naalala niya ang mga moments nung nakasakay sila ni Cholo sa bike. Ang mga moments nung nagpaalam na si Cholo sa kanya sa airport. Ang mga moments nila ni Cholo sa bus at sa bahay sa beach, nung nagka-amnesia na siya. Pati ang kabataan nila ni Tristan, na nagsabing "Ikaw ang unang taong nagpahalaga sa akin...Mahal kita, Jodi". At ang mga moments nilang dalawa ni Charlie.

Then nag-ring ang kanyang cellphone. Nag-text si Charlie sa kanya. "Magkita tayo sa harap ng carousel -- Tristan". (Note that Charlie already used his real name, Tristan.) Nandun lang pala si Tristan sa isang terrace, tinitingnan si Jodi.

Nagpunta nga sa carousel si Jodi. Madilim sa lugar na iyon, pero biglang nagsindi ang mga ilaw. Umikot na ang carousel. Nakasakay pala doon si Cholo. Naluha si Jodi. Then bumamba si Cholo sa carousel at lumapit kay Jodi. Nagkatitigan silang dalawa. Then hinawakan ni Cholo ang kamay ni Jodi, at lumakad silang dalawa.

Tiningnan nina Cholo at Jodi ang painting. Then sinabi ni Cholo kay Jodi, "Jenna, ano ang gusto mong sabihin? Na mahal mo na ba ako?". Ayaw pa rin niyang maniwala na si Jodi na nga ang kausap niya. Sumagot si Jodi, "Kapag sinabi ko ba yon, maniniwala ka ba sa akin?" Then nagsalita uli si Cholo:

"Alam mo, tanggap ko na ang lahat. Kahit ano'ng gawin ko. hindi na babalik si Jodi. Sa tingin ko naman, masaya na siya ngayon, dahil nasa langit na siya. Sorry kung pinilit kita maging si Jodi, kung di ko nirespeto ang tunay mong pagkatao. Alam mo Jenna, pag mahal na mahal mo ang isang tao, mahirap mo siyang makalimutan. Lagi siyang nasa puso mo...Mabuti na lang, tinulungan mo akong kalimutan siya."

Then napansin ni Cholo na tahimik pa rin si Jodi. "Magsalita ka naman!". Si Jodi naman ang nagsalita:

"Yung kilala kong lalaki, Cholo ang pangalan niya. Mukha siyang prinsipe, kaya lang mukhang imposibleng mapansin ang isang tulad ko, dahil may iba na siyang mahal. Sayang, dahil kung alam niya lang sana kung gaano ko siya kamahal, di siya sanang sobrang nasaktan sa pagkawala ni Jodi. Nakakainggit na may isang babae na nagpapasaya sa kanya. Sana ako siya. Sana ako na lang si Jodi..."

Then sumagot naman si Cholo, "Ibig sabihin din ba, mahal mo rin ako? Mag-date kaya tayo?"

Naglakad sina Cholo at Jodi sa loob ng mall. Maya maya, may nakita si Cholo na isang pulang sumbrero. Isinuot ito kay Jodi. "Mukha kang prinsesa".

Later on, nagbihis prisipe't prinsesa sina Cholo at Jodi. Sumakay sila sa isang mala-kalesang carriage ride. Nag-usap silang dalawa:

Jodi: Pakiramdam ko, isa akong Cinderella, pero baka magbago ito sa isang iglap.

Cholo: Nandito naman ang prince charming mo.

Jodi: Paano kung di niya ako makita?

Cholo: Basta huwag mo lang kalimutang iwan ang sapatos mo, para madali kang hanapin.

Then tinanggal ni Cholo ang isang sapatos ni Jodi. "Ngumiti ka lang, Jenna." Pero si Jodi ay malungkot pa rin. Tumutugtog ang Bogoshipda.

Later on, bumaba na sina Cholo at Jodi at nagyakapan sila.

Maya maya, sumakay naman silang dalawa sa carousel, at nag-usap sila. Sinabi ni Cholo na kaya niya pinapinta ang painting ay para maabot niya ang langit, para laging malapit sa kanya si Jodi, dahil si Jodi ay nasa langit na. Napaiyak si Jodi...

Then, habang nakasakay sila sa mga kabayo sa carousel, hinalikan ni Cholo si Jodi sa noo. "Sorry Jenna, di ko sinasadyang umibig sa iyo. Huwag ka namang masaktan. Di ba si Charlie...di ba mahal mo siya?"

Then humirit si Jodi, "Si Eunice, mahal mo ba siya?"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home