Saturday, February 26, 2005

More of Cholo's visit in Pinas

Heto pa ang ibang pics ni Kwon Sang Woo ("Cholo" of Stairway To Heaven) during his unexpected visit here in the Philippines. Nakuha ko sa PinoyExchange.com forums.

Kwon Sang Woo
Kwon Sang Woo
Kwon Sang Woo

Heto naman ang personal experience mismo ni Jolina Magdangal, as quoted in the PinoyExchange.com forums:

===

HAPPY FIESTA NA ITO!!!!!

Nakaharap ko si Kwon Sang Woo known as CHOLO in Stairway To Heaven.. hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na wala man lang akong nagawa.. natulala ako at nanigas!

Ganito ang nangyari.. nasa Westin Plaza Hotel ako kagabi kasi may show ako sa World Trade. Nung nasa lobby ako naghihintay sa gamit ko.. may pumasok na matangkad na Koreano.. di ko sya sinadyang tignan.. napaikot lang tingin ko at tumama sa Koreanong ito. Parang slow motion ang moment na yun.. natitigan ko sya at natulala ako.. ang nasabi ko lang.. "Mommy si Cholo!" Natawa si Mommy sakin at si Daddy.. sabi nila.. "Ano ka ba?? Mga Koreano magkakamukha.. kahawig lang yun." Sabi ko.. "Hindi!! Sya talaga yun!" Sinubukan namin syang lapitan sa front desk pero ang bilis nyang lumakad. Naabutan namin sya at yung lalaking kasama nya na parang body guard nya sa elevator.. Nung una.. tumatalikod sya at parang tinatago yung mukha pero nung unti unti nang humaharap.. ako naman ang humiwalay ng tingin kasi nahihiya ako.. maya maya.. sinabi na nina Mommy na "NAKU.. SYA NGA!" Gusto ko nang itanong sa kanya kung sya nga si Kwon Sang Woo.. papakita ko sana wall paper ng cell ko.. pero nung gagawin ko na.. lumabas na sya sa elevator. Napaupo nalang ako.

Nung una nilalagay ko nalang sa utak ko na baka nga kamukha lang.. kasi bakit walang kabali-balita na nandito sya.. pero may nagsabi sakin na taga GMA na nandito nga daw sya pero secret lang kasi nagbakasyon.. at ayaw talaga pa-interview.

Hanggang ngayon.. natutulala parin ako!!

===

Paniguradong maraming nangangarap sa atin ngayon na mistulang mga Jodi's and Eunice's na sana nakita rin nila si Cholo dito sa Pilipinas. :-)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home